17.07.08

Pasasalamat

Gusto kong MAGPASALAMAT.

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong nagsulat sa akin at nagcomment sa blog ko. Salamat sa mga dumamay at nagpalakas ng loob ko.

Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nung mangyari yun. Sa totoo lang, hanggang ngayon eh malungkot pa rin ako. Sa totoo lang, kahit pilit kong winawala sa isipan ko, naaalala ko pa rin…

Pero salamat at andiyan kayo. Maraming salamat sa mga nag-alay ng mga bulaklak sa Pinoykodakero at flickristasindios sa flickr.

Sa totoo lang, naiyak ako nung binabasa ko yung mga yun. Alam ko corny… Pero umiyak ako sa harap ng computer screen ko. Naiimagine niyo ba akong umiiyak? Malamang hindi… Dahil nakilala ako bilang masayahing tao.

Gusto ko na ring sanang mag “move on” na sinasabi nila. Ayaw kong maging malungkot lagi. Ngayon, gusto ko lang ‘kolektahin’ ang sarili ko. Lahat ng mga plano ko, biglang dapat mag-iba dahil sa mga problema. Gusto ko na ring ibalik ang hilig ko sa photography. Gusto ko sanang magbakasyon o maglakbay.

Maraming salamat sa inyong lahat. Mahalaga po sa akin ang mga ginawa niyo para sa akin. Maraming salamat ho talaga. Pero alam ko lagi akong may kasamang anghel. Nakakalungkot nga lang talaga… Ganun pala…

21.05.08

May 16

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito ngayong taon.

Isang sad news…

Nakunan ako sa araw na yan. Nawala ang baby ko. Apat na araw ako sa ospital. Nung mga unang araw, hindi pa ako ganun dinudugo. Pero nung 16, dumami ang dugo at sumasakit puson ko. Nung inultrasound ako… Wala na…

Isang buwan na pala siya. Ganito pala ang pakiramdam. Sobrang lungkot.

15.04.08

Buntis

Kanta muna tayong lahat : Kay tagal mo ng nawala, babalik ka rin… Babalik ka rin…

Ok tama na at uulan na.

Hello mga peeps. Kumusta na kayong lahat? Ang tamad ko talagang mag-update. Pero maraming salamat pa rin sa mga bumibista, nage-email at nagko-comment.

Yan ang title ng aking post ngayon, dahil buntis nga ako. Woohoo! Actually, nung April 2 ko pa na-test gamit ang isang pregnancy test pack pero hindi ako naniwala. Kaya ang ginawa ko, pumunta akong nagpa-check up. Nung pina ultrasound ako ng doctor, wala pa daw makitang bata. Masyado pa daw maaga. At dahil pati sa ultrasound hindi nakita ang baby, nagduda ako lalo sa resulta ng pregnancy test pack. Binilhan ako ulit ng aking asawa ng isang pregnancy test pack. At positive ulit the following day.

Sabi ng aking doktor, mga December or January daw ako manganganak.

Actually, ang laki na ng tiyan ko ngayon. Para akong 5 months pregnant. Pero understood na yun dahil noon pa man, malaki na tiyan ko. :P

Kahapon naman, nagpa-check up ako dahil dinugo ako. Akala ko nakunan ako. Napa-iyak ako at sobrang nag-alala. Pero binigyan ako ng gamot ng doktor at sinabi niyang kelangan kong magpahinga.

Masaya ako at magkaka-baby na naman ako. Iba kasi ang pakiramdam ng buntis. Masarap na mahirap. Ay… That reminds me of something ah. Nyahaha. OK OK, huwag na tayong maging green minded.

***

Siyangapala. habang nagpapa-check up kami kahapon, nasusunog ang Andoks (Session Road branch). Narinig naming dumaan ang mga fire truck. Buti na lang, naagapan agad ang sunog. Andaming nagaganap na sunog dito sa Baguio ngayon. Last week, yung bahagi ng palengke. Nung first week ng April, ang Tiong San Harrison naman.

Kaya, ingat tayong lahat.

***

Book launch pala ng libro ni Kuya Batjay kahapon (April 14) ang title eh “Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig”. Tignan niyo rin ang uber sa kool na comic strip na ginawa ng kaibigan ni Kuya dito. Sa totoo lang, gusto kong ma-meet si Kuya Batjay at makapunta sa book launch niya. Pero busy ako at heto nga nababaliw na ang mga hormones ko. Isa ko siyang idol - dahil he’s funny and he’s always himself - which is always GOOD! Kaya sana maging successful ang book launch ni Kuya Batjay.